Isang langit. Isang daan. Isang pag-asa.
ng Babel ay para sa iyo kung ikaw ay nagtatangkang makipagugnayan nguni’t pagod na at hindi ka nauunawaan. Kung nais mong ang iyong sining ay ihain kasama ang “hummous”, mga panimpla at pangtikim ng alak na may tsokolate, ang Babel ay mag-aabot ng tulong nguni’t bahala ka sa iba pang gagawin. At kung ikaw ay bigô na sa paghahanap ng isang pahina kung saan ikaw ay makakaramdam ng katahimikan at kaginhawahan, kung sa halip na balisa at pagkawala, halina sa Babel.
uong lumanay at nais lang naming linawin mula sa simula, na kung ikaw ay isang “solipsist”, at nagkamali lang ng pagpunta sa lugar na ito, pakituro na lang kami sa isang katabi at bumalik ka na sa iyong mga sandata, kaganidan, at kawalang-awa. Bayaang ang iba ang makarating at siyang sumakay sa sasakyang-dagat na papalaot sa Mersey.
ng mga katanungang kung mayroon bang isang salita kung saan lahat ng iba pa ay nagmula ay sadyang nagpamangha sa mga tao ng mga nagdaang libong taon, kung kaya kami ay nagtatag ng isang pasulatan panghimpapawid ng iba’t-ibang salita at kultura ukol sa mga sining at kuro-kuro. Sa loob ng aming mga pahina, mahahantungan ninyo ang mga kathang pampatawa at mga tanging akda na halaw sa mga ibat-ibang salita, bayan at adhikain upang makagawa ng mga mala-talaarawang ugnayan ayon sa mga maapoy ang damdamin.
aramihan sa mga kabatiran sa ngayon ay nananatili sa isang himpilan sa loob ng isang walang bintanang silid na pinipilantik ng isang kulang-kulang ng lipunan na bumubuntong-hininga sa kawalang pag-asang at tahasang pumapalaot papunta sa pahina ng mga palakasan tuloy sa mga laro at tuloy sa lugar ng pornograpiya. Sa halip, bakit hindi humanap ng mga mapagsapalarang lagalag sa Babel at magtanong ukol sa daan magmula sa Austria patungo sa Jordan, magtatampisaw sa mga kanal ng Amsterdam o kaya’y sumugod sa matinik na kasukalan ng Africa o Adelaide?
aanong lungkot at yamot marahil ang magpunta sa “Internet” na tila ba ito ay isang walang bansang, walang pangalang tanging karanasan sa pamamagitan ng elektrisidad, kung saan wala ni alahas, ni pulseras, ni pito o ni kampana kundi ang nakakalulang pagdagsa ng mga kabatiran. Mas ninanais naming magbuhos ng loob sa kahusayan, lalim at kahabaan ng nilalaman laban sa sadyang paghahagis lang sa iyo ng mga numero sa makabaling-leeg na hagibis.
ng kawalan ng tulog at ng pasensya ay hahayaan na natin sa ibang mga pahina, habang tayo ay nagbubuhos ng loob sa pagbibigay halaga sa ating maghapong ritmo at ganuon na rin sa ating paningin, at panatilihin ang isang larangan kung saan ang labanan ay tungkol sa matalinong usapan, at ang pagtatagpong panlipunan ng mga kuro-kuro ay mas mahalaga kaysa sa pagsubok na panatilihin ang mga pilas-pilas na panandaliang atensyon ng isang sugapa sa pagpapalaot sa pahinang elektroniko.
a ating paglalathala ng Babel sa himpapawid, tayo ay nagpupuno sa pangangailangang kaunti lang ang kakulangang sa kahalagahan ng hagupit sa isang kinandili ng isang ulat-listahan sa paghahanap ng pamagat ng mga aklat. Napakaraming pahinang panghimpapawid ang labis na nagbibigay diin sa pamamaraan at pagtingin na ang paglilipon ng mga nakaraang ulat at ang pamamaraan ng sining sa hinaharap ay napabayaan na at naisantabi mula sa pamamaraan nito bilang isang bumubukadkad na rosas.
ng walang-damdaming pagpapaalipin sa mapangutyang karamdaman ng karamihan sa panahong ito ay hindi natin pansin. Kinikilala natin na ang dekada sesenta ay siyang simula ng muling pagkabuhay ng sining na walang kahalintulad sa buong mundo sa ilang daang taon. Ang ating pangarap ay magamit ang teknolohiya sa ngayon upang lalong paunlarin ang muling pagkabuhay, datapwa’t hindi natin balak sambahin ang teknolohiya ng hihigit pa sa pagsamba sa isang gitarang may 12 kwerdas.
ng pagtatayo ng katuparan ng isang malaon ng pangarap ay maaring mag-angat sa atin mula sa maraming mapaminsalang palagay ngunit tayo ay hindi kuntento na magkaroon ng katapangan ng pagiging malayo mula sa tutoong daigdig, kung kaya tayo ay lalabas duon sa mga galeriya, dulaan, tanghalan ng opera, sinehan, sayawan, taberna, kapihang pang-“Internet” at pagtitipon sa bahay, ang pagsulat ng mga pangyayari sa oras ng pagtatapos upang maumpisahan natin, matalakay, mapansin at maibulong ang kung alin ay unti-unti nating nakikita ngayon na ito na ang simula ng buong dalawang bagong siglo.
ng magmahal ng buong mundo ay natural na sa atin. Nagsasaya tayo sa pakikisalamuha at pagpapakitang-gilas sa mga dayuhan at nagbibigay ng pagkakataon sa mga kung sinong siyang nagbibigay inspirasyon, naghahalo ng mga “cocktails” at nagiimbita sa mga kaibigan upang makatalakayan sina John Woo, Peter Greenaway, Petricia Rozema, o kaya ay tungkol kay Arthur Rimbaud, Italo Calvino, Jerry Garcia, Kurt Cobain, opera, kamunduhan at mga katangi-tanging bangkay kahit saan.
aliban sa pagdidiin na ang nakagawian ng usapan sa mga “chat rooms”, sa mga patalastasan at lunduyan ng mga lengguwahe, tayo ay nag-aalok din ng labis-labis na mga pahinang madaling buksan na nagtataglay ng malawakang nilalaman tungkol dito, isang usapan sa mesa ng kapihan na may isang patungkol sa mambabasa na nakasingit sa pahina kahit pa nasaan ka, maging ito ay sa salitang Basko, Portuges Brasilenya, Bulgaryan, Tsek, Daneska, Holandes, Ingles, Finlandya, Franses, Aleman, Glosa, Griyego, Hungaryan, Italiano, Luksemburgyan, Nuruego, Polska, Portuges, Romano, Ruso, Serbo, Eslobenyan, Kastila, Swisong Franses, Swisong Aleman, Tagalog, Turko, Ukranyan…
enmark”, “El Salvador”, Inglatera, Fransya, Alemanya, “Hawaii”, Israel, Italya, “Polland”, Portugal, Romanya, Rusya, Eslovenya, Espanya, Swiso, Holandes, Turkiya, Ukrainya, Estados Unidos, Benesuela, Yugoslabya, Arhentina, Australya, Austriya, Brasil, Bulgarya, Kanada, “Chile”…
hicago”, “Delft”, “Gilroy”, “Hollister”, “Horst”, “Kailua-Kona”, “Leeds”, “Liverpool”, “Ljubljana”, “Louisiana”, Madrid, “Manchester”, “Melbourne”, “Modena”, “Montpellier”, “Moscow”, “Mt. Waverley”, “Napoles”, Nueva York, “Oakland”, “Olathe”, “Oporto”, “Ottawa”, “Pontevedra”, “Portland”, “Poznan”, “Pyatigorsk”, “Quebec City”, “Ranica”, Roma, Rosario, San Antonio, San Francisco, San Salvador, Santiago, “Sao Paulo”, “Sarasota”, “Seattle”, “South Korea”, “Suceava”, “St. Vincent de Tyrosse”, “Ste-Brigitte-de-Laval”...
acoma”, Ang playa ng nagliliyab na tao sa Nevada, “The Dalles”, Tokyo, Toronto, “Tucson”, “Untersiggentha”, “Vanderhoof”, “Varna”, “Sao Vinhedo”, “Vitoria-Gasteiz”, “Waterloo”, “Woodstock”, “Zaporozhye”, “Aarhus”, Ankara, “Arlington”, “Athens”, “Austin”, Berlin, “Beaumaris”, “Belgrade”, “Berkeley”, Boston, “Bozen”, “Bucharest”, “Buenos Aires”, “Caracas”, “Carlton”, “Cernier”...
ng kapakanan ng mundo ay suliraning magiging atin. Tayo ay nagbigay ng isang tiyak na daigdig ng isang lugar-pahina na may libo-libong pandaigdigang kawing at maraming iba’t-ibang pamamaraan ng pakipag-ugnayan sa mga lengguwaheng ating matatagpuan. Kung kaya nating magbigay sa mga pandaigdigang mamamayan ng kaunting kuro-kurong original at ng kaunting paglihis mula sa mga agam-agam ng walang-tigil na panahon ng kaalaman, mararamdaman natin na tayo ay tama sa ginawang nating pagtatayo.
ahil sa ang mundo ay ang iyong malansa, pinaunlad ng kemikal, naglulunoy sa pusaling kabibe. Sa ibang salita, hanapin mo ang perlas sa loob, sapagka’t ikaw ay isa sa mag pinagpala, na pinaglaanan ng lahat ng langit upang magbigyan ka ng isang mas magandang lugar sa daigdig. Isa pang paliwanag: Ito ay mabuti. Kahit pa paano mo ito gawain, mahahanap at mahahanap mo ang perlas na iyan.
alentina, ito na ang siyang oras ng pagmamatigas. Gaano ang hindi sapat? Gaano ang sakit ng loob at kasalanan na maari mong kayanin bago bumigay ang iyong puso? Mayroon dapat pigilin, pabagalin, o di kaya ay ituwid. Ikaw ay may kapangyarihang gawain ito. Ikaw din ay may karapatang gamitin ang kapangyarihang iyan. Subali’t maaring wala kang pagkukusa ng loob. Marahil, naiisip mong naari mong sirain ang buhay ng iba sa iyong pagsagot ng oo. Marahil, nag-aalala ka, na sa pagpipilit ng iyong lakas, ikaw ay magpapa-alab ng sunod-sunod na reaksyon, na magbibigay wakas sa ibang bagay na ayaw mong tapusin, Kung kaya maging maingat at malumanay. Nguni’t manatili kang malakas.
andaan na ang kaalamang iyan ay may dalang kapangyarihan. Ang kapangyarihan ay kaakibat ng tungkulin. Ang tungkulin ay may kasamang pagka-makatao. Sa pagka-makatao ay kasama ang pang-unawa. Ang pang-unawa ay kasama ang kabatiran. Ang kabatiran ay kasama ng kaalaman. Dahil sa ang mga pinakamagaling sa buhay ay walang bayad. Yung mga pangalawa lang sa galling, ang may bayad. Ang tunay na pag-ibig, ang isang halimbawang hindi maaring bilhin ng kahit anong halaga.
yempre, kung talagang gusto mo, maaari kang bumili ng pansin, katanyagan, at kahit pa ang pakunwaring pakitang giliw. Ang tunay na kaligayahan ng kalooban ay wala ring katumbas na halaga. Datapwa’t sa sapat na halaga, ikaw ay makabibili ng kahalagahan, kapangyarihan, paggalang at pagkabilang. Para na ring kasing-galing? Hindi, kung naranasan mo na yung talagang totoo. Hindi ito yung loterya na nais mong panalunan ngayon. Ito ay ang karunungan na makakita ng lampas sa walang-kwentang pangalawa lang ang galing.
ng labis na takot sa ibang lahi ay nagdulot ng di mabilang na mga digmaan at mga krimen ng pagkamuhi. Sa katapusan, ito ay hindi tungkol sa mga kathang kwento o alamat na sinasamba ng sariling tribo o kaya’y ang kulay ng iyong balat, ito ay tungkol sa sariling pamanang-lahi, hindi kilalang kaugalian at mga hindi nakikitang diyos ay hindi dahilan para itanggi ang ibang mga kultura. Ang mga ito ay paghamon sa kaliwanangan (gayon din ang pang-unawa ng mga paghahambing) na kailangang harapin. Kung ang mamamayan ng isang lahi ay tumatanggap sa mga mamamayan ng isa pang lahi, ang mga namumuno ay malalaman ito at magkukusang makiayon sa kanila, hindi laban sa kanila. Ang mga digmaan ay hindi titigil hangga’t hindi natin nakikitang tayong lahat ay iisa. Anyayahan sa hapunan ang inyong mga kaaway .
ga musmos sa damdamin, nagkakaisa at sumusunod. Ngayon ang tamang-tamang panahon para sa iyong pag-iisip tungkol sa bakasyon na matagal mo nang nais gawin. Maari mong makita ang iyong sarili na nag-i-“Internet” o sa isang silid-aklatan, o tungkol sa mga dakong mas makabubuti sa mga pananaliksik o ng mas matagal ng ninanais.
aari mo pang matuklasan ang mga kalagayan sa isang bansa na sa tingin mo kaya mong tulungan sa pagbabago. Ngayon, ikaw ay makagagawa ng pagbabago. Ikaw ay gagawa ng sarili mong ngayon, at makakagawa ng isang tiyak na mabuting kaibahan sa pamagitan ng pagbibigay ng panahon sa pagtulong sa isang matanda o kaya ay pagtuturo sa isang bata. Mag-sanay sa pamamagitan ng paglalakad ngayon (maaring sa loob ng isang “bazaar”) upang bigyang laya ang labis-labis na lakas.
labas ang aklat na matagal nang binabalak basahin at isara ang telebisyon o maupo sa beranda at magbasa. Ang isang kathang-isip ng paglalagay ng iyong sarili sa lugar ng isang bayani o ng mapang-akit sa isang kwento ay maaring maging masaya. Ikaw ay hihilahing pabalik sa mundo upang sa sumandali ay titigang muli sa mukha ng iyong mga gawain. Mas makabubuting gawain na ito ngayon at ng magkaroon ka ng panahon para itagong muli ang sarili sa misteryo ng pagbabasa hanggang oras ng pagtulog.
amitin ang iyong talino, panlasa at galing. Humanap ng paraan ng pagpapahayag. Humanap ng mauurungan. Isulat ang iyong kuro-kuro sa papel, o sa papawirin, sa mga along panghimpapawid at sa editor. Abutin at tapikin ang sinuman. Tawagan ang mga nagsitawag sa telepono na matagal nang ipinagpapaliban. Gumawa ng mga sulat o magpadala ng mga pagbating pangkaarawan sa mga kaibigan at kamag-anak. Gumawa ng isang radikal na pagsulong. Magpasalamat sa inyong mga tapagtaguyod. Magpasalamat sa mga naniniwala sa iyo. Magbigay ng matiim na pansin sa mga nagmamahal.
abuhay! Maligayang pagdating sa Babel! Ang paghihilom ay nagsimula na. Bahala ka na sa ibang bagay. Tayo ay naniniwala sa imposible. Alam mo ito.
Alagaan ang isa’t-isa,
Nagmamahal,
Malcolm LawrenceTranslated in Tagalog by: Belen B. Baniqued
Email: len321@yahoo.com
E-mail us!
towerofbabel.com is running Apache/1.3.28 (Unix) PHP/4.3.4 mod_perl/1.27 on FreeBSD
Apache is also being used by BobDylan, Zippo, Brian Wilson,
Intrepid Trips, and the Southern Poverty Law Center.FreeBSD users include Babel -- Internet Café, Copenhagen, Denmark,
Berkeley Adult School, and Linux Online.Check out our cyberspace neighbors in the real world
©1995-2004 towerofbabel.com, All Rights Reserved.
Reproduction of material from any pages
without written permission is strictly prohibited.